Saturday, April 4, 2009

Celso

Masasabi kong si Celso ang isa sa mga nakilala at naging kaibigang bading na lubos kong hinahangaan. Hindi sa bonggang bongga looks o pangagatawan kundi dahil sa maprisipyo nyang pagtingin sa buhay partikular sa buhay bakla.

Kagabe, nagkaroon ako ng pagkakataon makausap sya ng masinsinang tungkol sa buhay nya bilang bakla. Doon nakapulot ako ng makabuluhang insights kung pano nga ba dapat makitungo ang bakla sa mga relasyon partikular sa relasyong straight at bakla.

Nitong mga nagdaang araw, ako ay naguguluhan tungkol sa feeling ko sa isang tao. Straight sya. kinakausap ko ang aking sarili kung handa na ba ulit ako magpapasok (wag kang bastos!!! hehehe) ng isang tao sa buhay ko. Sabi ni self, hinde pa. Takot pa sya. Wag muna.

Peru parang gusto ko na ring i-try kase nga 2 yrs na rin syang (si ex-aura) wala sa buhay ko. Masakit iyon kase minahal ko nga sya.

Tapos, eto parang gusto na naman ni self tumibok. Peru dapat nga ba? Tinanong ko si Celso. Pareho na kame ng hinahanap ngayon. Marahil dahil sa pareho na rin kaming nasa edad. Pinayo nya sa akin na tantyahin ko daw. At itanong sa sarili kung ano ang expectations ko.

Sa yugto ng buhay ko ngayon, ayaw ko na ng sex, hot sex na lang. Gusto ko na ng relasyong magtatagal at hindi mababaw. Hindi ko ito maibibigay ng isang 19 yr. old na lalaki. Palagay ko rin.

Kaya ito ang desisyon ko. Mananatili akong nandito para suportahan sya. Sa abot ng makakaya ko. And i would just start from there.

Maraming salamat Celso sa isang straight to the point na pahayag. Na-appreciate ko.

No comments: